"Ayos ka na ba? Are you sure about this, Evan? Are you really ready to see her again, just in case?" Napapangiti na lamang si Evan nang marinig ang mga tanong na iyon sa kan’ya ni Clarise. "Sigurado ka na ba talaga na ito ang nais mo na mangyari? Alam mo na ba kung ano ang sasabihin mo sa kan'ya at kung paano mo siya haharapin?" "You are overreacting again with those questions, Clar. Bakit ba ang dami mo na naman na mga tanong sa akin? Hindi ba at nakausap ka na ni Ever tungkol dito? Nasabi na niya sa'yo ang dapat na mangyari kaya wala na tayo na dapat pa na pag-usapan." Natatawa na sagot niya na lamang sa babae. "Tapos na ako na mag-ayos at kanina pa ako sigurado sa plano ko na ito, kaya kanina pa rin ako handa na pumunta sa party." "Hindi naman ang pag-aayos mo ang sinasabi ko. Can’t y

