"You are really stupid if you will still go through with this wedding, Brent! Bagsak na bagsak na nga tayo ay nakukuha mo pa na magsayang ng pera sa walang kuwenta na pagpaplano mo ng kasal na ito! Anong katangahan ba ang pumasok sa isip mo at hinahayaan mo na sirain na naman ng babae na iyan ang lahat-lahat sa atin? My goodness, Brent, hindi ka namin pinalaki para lamang magpakatanga sa isang babae." Kanina pa ang pagsigaw at panenermon ng ina ni Brent sa kan’ya simula nang dumating siya sa bahay ng mga magulang niya. At isa lamang din ang dahilan ng galit ng dalawa sa kan'ya, at iyon ay ang patuloy rin niya na pagmamatigas na ituloy ang kasal nila ni Harper. And as he had expected, his parents are furious about the decision that he made. "Wala ka talagang pagbabago, Brent. Kahit kailan

