"Harp, may naaalala ka na ba? Nagbalik na ba ang memorya mo?" Nagugulumihanan na tanong niya pa. "Saan ka pupunta? Bakit ka aalis? Bakit mo ako iiwan? Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin? Is this about my parents, or is this about Elise?" Umarko lamang ang kilay ni Harper sa kan’ya saka siya sinagot ng mga katanungan din. "May naaalala na ano? Nagbalik na memorya saan? May hindi ka ba sinasabi sa akin, Brent? May dapat ba ako na maalala bukod sa mga bagay na naaalala ko na?" Lalo naman siya na natameme dahil sa balik-tanong na iyon. He hates himself for reacting this way outright dahil lalo lamang siya na mahahalata ni Harper sa mga itinatago niya dahil sa inaasal niya. "Wala." Nagmamadali na tugon niya. "Ang ibig ko na sabihin ay baka may mga bago ka na alaala na nanumbalik na maari makat

