"Where is he?" Dismayado na tanong ni Ever sa kasambahay nila na si Nanay Esmeralda nang makarating siya sa mansyon. "Ano na naman ang ginawa ni kuya?" dagdag na tanong pa niya. Nagmamadali na naman siya na umuwi ng mansyon nang matanggap niya ang mensahe ng matandang kasambahay nila tungkol sa kapatid niya. At sa totoo lamang ay napapagod na rin siya sa mga pinaggagagawa ni Evan sa buhay nito, lalo nang muli na maikasal sina Brent at Harper. At kung siya lamang talaga ang masusunod ay pababayaan na lamang niya ang kapatid niya sa mga ikinikilos nito, pero dahil ayaw niya rin na mag-alala ng sobra si Nanay Esmeralda ay napipilitan siya na puntahan si Evan at kausapin ang kapatid kahit na madalas ay wala naman din na pinatutunguhan ang usapan nila. "Nasa silid na ang kapatid mo pero ano p

