Dismayado si Brent habang naiwan siya na nakatulala sa kanilang silid. Kalalabas-labas lamang ni Harper at nagpasya siya na huwag na muna na sundan ang babae dahil baka kung ano lamang ang masabi niya at mauwi pa sa away nila ang lahat. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa nangyari? Ang buong akala niya ay maaangkin na niya ulit ang asawa niya, pero sa huli ay sakit ng puson pa rin ang inabot niya. Ilan beses pa ba niya kailangan na mabitin bago bumigay si Harper sa kan’ya? Takte lang talaga at nawawalan na rin siya ng pasensya sa ginagawa ng asawa niya sa kan’ya. He doesn't want to feel this way, but he is honestly fuming mad at Harper right now. Hindi naman pala kasi bibigay sa kan'ya, bakit pinag-init pa ang buong sistema niya? Sana kung wala naman palang balak ang asawa niya na u

