"Ano ang sinabi mo?" Nanggigigil na tanong ko kay Ever matapos ako na sumunod sa kanila.
"Brent Torres is here." Sagot niya sa akin na may halo rin na panggigigil.
Bumaling ako kay Tof na salubong na salubong ang aking kilay. "What is the fucker doing here?"
"Chill and relax, dalawang Ruiz. I just found out some new information. Mga bagay na sigurado ako na ikakatuwa mo, Evan." sagot niya pa sa akin.
"Start talking."
"I need to tell you that this additional information came in late, kaya huwag ka nang magwala pa sa akin kung bakit ngayon ko lang ito maire-report."
"Go straight to the point, Tof." Masungit na utos ko pa.
I don’t have the patience to wait for anything, kaya nga isang malaking milagro rin para sa akin na pinapalusot ko ang pagtanggi ni Harper Mercader sa mga nais ko. I wanted so much to f*****g take her, pero kapag nakikiusap na siya sa akin na hindi pa siya handa ay lintik talaga at nagsasariling-sikap ako. Things that I didn’t do before, ginagawa ko ngayon dahil kay Harper Mercader. Things that I have to do just to get my f*****g revenge on that woman!
Nagpalipat-lipat muna ang tingin ni Tof sa amin ni Ever bago siya nagsalita. "Harper Mercader is not Harper Mercader."
"What?!" Sabay na sagot namin ni Ever. Rumehistro ang gulat at kalituhan sa amin dalawang magkapatid. f**k! Ano ang ibig sabihin ni Tof sa sinabi niya?
"What do you mean by that? Don’t tell me na mali ang impormasyon na ibinigay mo sa akin last time. Malilintikan ka talaga sa akin, Tof." Pagbabanta ko pa. I cannot afford to make mistakes now, lalo na at malaki na rin ang nagiging investments ko kay Harper.
"Ang ibig ko sabihin ay si Harper Mercader ay dating si Harper Torres."
At this moment, gusto ko nang sapakin si Tof sa paputol-putol na eksplanasyon niya sa mga impormasyon. "Sasabihin mo ba ng diretso sa amin ni Ever ang alam mo o babangasan ko na ang pagmumukha mo, Tofer?!" bulyaw ko pa sa kan’ya. Nangingiti pa ang loko-loko habang kitang-kita naman niya ang galit sa mukha ko. "I’m losing my patience, Tofer."
"Fine! Ako ang rason kung bakit narito si Brent Torres." Lalo ang pagsalubong ng kilay namin ni Ever sa narinig kay Tof. He is my f*****g investigator, at hindi siya dapat nakikialam sa mga events ko.
"What the f**k?! Sino ang may sabi sa’yo na makialam ka sa mga bisita?" galit na tanong ko pa.
"You’ll thank me later, Evan. Brent Torres needs to be here dahil kailangan niya na makita si Harper Mercader."
"Tang-ina rin talaga, Tof, litong-lito na ako sa’yo! Baka mauna na kita na bangasan bago pa si kuya. Puwede ba, ayusin mo na ang impormasyon mo bago pa kami mapikon sa'yo." Inis na turan na rin ni Ever.
"Mga Ruiz nga naman! Talaga naman na napaka mainipin. As I was saying, Harper Mercader is Harper Torres, the wife of Brent Torres."
Napatulala kami ni Ever sa bagong impomasyon na iyon. This is bullshit! Ibig sabihin ay may kinalaman din si Harper sa pagkamatay ng mga magulang namin? Napakuyom ako ng palad ko at pinipilit na kontrolin ang nabubuhay na galit sa akin. That b***h! Mas marami pa pala siya na itinatago na kasalanan sa akin.
"Are you sure?" gulong-gulo na tanong ni Ever.
Tumango si Tof. "Dating Harper Torres ang sinabi ko kung hindi ninyo parehas na nakuha. Ang ibig sabihin lang ay legal nang hiwalay ang dalawa. The separation happened almost at the same time as Harper's accident. So Harper Mercader is now the ex-wife of Brent Torres."
"Kung kasal si Brent kay Harper bakit hindi natin nabalitaan ang tungkol dito? Bakit hindi rin nabanggit ng mga Mercader ang tungkol sa kasal na iyon sa akin?"
"Hindi ko pa masasagot ang mga bagay na iyan. Patuloy na kumikilos ang mga tao ko para alamin kung ano ang katotohanan sa naging relasyon nina Brent at Harper. Pero classified information ang pagpapakasal ng dalawa. Wala rin masyado na nakakaalam sa business circle kaya hindi rin malimit na makita si Harper sa mga events."
"What’s your plan now, kuya?" tanong sa akin ni Ever.
Sa totoo lang ay gulong-gulo na ang isip ko ngayon sa bagong kaalaman na ito. Sino ang mag-aakala na ang Harper na iyon ay naikasal na pala? How dare she turn her back on me para lang magpakasal sa isang Torres?! She is supposed to be married to a Ruiz pero pinababa pa niya ang lebel niya at pumatol sa isang Torres lang?!
"Evan, this is a good opportunity for you to hit two birds with one stone. Ang pareho na nais mo na paghigantihan ay inilalapit na sa’yo ng tadhnana. I invited Brent Torres para makita niya ang pagbabago sa dating asawa niya at para makita rin natin ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na isang Ruiz na ang pakakasalan ni Harper ngayon."
Tofer has a valid point right now. Dumating na ang karma ng mga Torres at ni Harper Mercader, at sisiguraduhin ko na makakamit namin ni Ever ang tagumpay sa lahat ng ito.
"You have a good point, Tof. Dalawa na silang paglalaruan ko sa mga palad ko ngayon. Langit na mismo ang naglalapit ng kaparusahan sa mga taong walang-kuwenta na kagaya nila. And I can’t wait for that day. Nais ko nang makita ang pagbagsak nilang dalawa, lalo na ang pamilya Torres."
"Then you might want to stay by your fiancée's side, kuya. Mukhang nahulog na si Torres sa ginawa mong bitag. He seems to be eyeing Harper right at this moment."
Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Harper nang sabihin ni Ever iyon. Wala na siya sa lamesa na pinag-iwanan ko sa kan’ya kaya inilibot ko pa ang paningin ko at doon ko siya nakita sa malapit sa bar habang hawak ni Brent Torres sa braso. I can feel the rage inside of me. Nobody touches what is mine. I have made Harper that way, so she is mine now.
"Then you have to excuse me; I have a fiancée to take care of." Hindi ko na hinintay ang tugon nila at lumakad agad ako sa direksyon nina Harper at Brent.
I don’t want to make a scene, but maybe I need to, right at this moment. I need to mark my territory. I need to let everyone here know that she is mine. Harper Mercader is only mine.
"Let go of her." Mariin na utos ko nang makalapit ako kina Harper at Brent. Nagulat pa ang dalawa dahil hindi nila namalayan ang pagdating ko.
Sarkastiko na ngumisi sa akin si Brent pero hindi pa rin binibitawan ang braso ni Harper. "Don’t worry, Mr. Evan Ruiz, I know her. We know each other very well. And you don’t have to meddle here."
Nagtatangis ang bagang ko sa galit ko kay Brent. Hinawakan ko ang kabilang braso ni Harper at hinila siya papalapit sa akin kaya mabilis siya na nabitawan ni Brent. "When I said to let her go, you f*****g let her go."
Nanginginig si Harper nang hawakan ko ang kamay niya. Hindi siya nagsasalita pero nararamdaman ko ang takot sa kan’ya ngayon.
Naniningkit ang mata ni Brent na nakatingin sa amin. Muli niya na pinasadahan ng tingin si Harper at gustong-gusto ko siya na sapakin sa ginawa niya. "Mr. Ruiz, this is a family matter." dugtong pa niya.
"Family matter? Are you sure? If it is, then mas lalo na dapat ko na malaman ang tungkol dito."
"Evan." Tawag sa akin ni Harper at kumapit pa sa braso ko. Ang aksyon niya na iyon ay nagpa-igting ng panga ni Brent.
"Let’s talk, Harper. Huwag mo na isali pa si Mr. Ruiz sa problema natin dalawa."
"She won’t talk to you." Sagot ko agad na hindi ko na binigyan pa ng tsansa si Harper na makapagsalita.
"Evan, not to be rude, pero hindi ka kasali sa problema na ito."
"Brent Torres, ang lakas ng loob mo na utusan ako, lalo na at imbitado ka lang sa party na ito. Do you even know why you’re here? Do you even realize the reason for this party? I’m guessing that you don’t, but don’t worry; we’ll get to that exciting part in a while. For now, back off, Torres. Harper will not be allowed to talk to you."
"At sino ka para pagbawalan ako? Sino ka para pagbawalan si Harper na kausapin ako? Kilala mo ba kung sino ako sa buhay ni Harper?" mayabang na sagot pa niya sa akin.
"Evan." Hinahatak na ni Harper ang kamay ko pero hindi ako nagpapatinag. I wanted to see the look on this asshole’s face kapag sinabi ko na kung ano ko si Harper.
"Wala akong pakialam at wala akong plano na malaman kung sino at ano ka sa buhay ni Harper. You don’t exist to us right now, so stay the f**k away from her. I don’t repeat my words, Torres. Alam mo kung ano ang kaya ko na gawin. At para malinaw sa’yo, I am her fiancé."
"What?! Fiancé?"