THIRD PERSON'S POV Mula sa isang sulok ay nagtatago ang isang misteryosong lalaki na naka-maskara ang kalahati ng kanyang mukha. Tanging ang magaganda lamang nitong mga mata ang makikita. Pinagmamasdan lamang ang mga kilos at ginagawa ng isang babaeng nurse. Ito ay si Miranda. Ang babaeng kinuha ni Isabella para alagaan ang kanyang Nanay. Ngunit dahil masyadong matalino ang grupo ng mga Montemayor, kabilang na dito ang mga Mondego at ilang kaibigan nila ay natunugan nila ang masamang binabalak ng mga kalaban at itong si Miranda ang ginamit para maisakatuparan iyon. Hindi pa napapansin ni Miranda na mayroong nanlilisik na mga mata sa kanya. Kampante siya na walang makakaalam o makakakita sa gagawin niyang krimen. Kinuha nya sa bulsa ang isang maliit na botelya na naglalaman ng lason na or