Chapter 20

2521 Words

The Badboy's POV Part II Hawak ko na ang isang brown envelope na naglalaman ng mga imbestigasyon sa pamilyang kinamumuhian ko. Huminga ako ng malalim bago binuksan ang dokumentong may kinalaman sa buong pamilya nila. Kunot-noo kong binasa lahat hanggang sa kumuyom ang kamao ko sa unti-unting bumabangong galit mula sa dibdib ko. Pinaglalaruan lang niya kaming lahat at kung hindi pa ko nagpa-imbestiga tungkol sa kanila ay hindi ko pa malalaman na ginagawa na nila kaming katawa-tawa. Hindi na ako magtataka kung bakit medyo nahirapan si Matthew sa pagkalkal ng baho ng pamilyang iyon. Masyado silang pribado. Lahat ng tungkol sa kanila ay may mga access pa na sila lang mismo ang makakapagbukas. And thanks to Matthew's skill. Easy as pie lang daw eh halos maligo siya sa sariling pawis sa loob

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD