"OMG! Kaninong baby yang dala mo, Isabella?" Bago ko alisin ang tingin kay Sven na assumero masyado ay isang irap muna ang binigay ko sa kanya na ikinangisi nya lalo. Humarap ako kay Suzy na may magandang ngiti na sa labi.
"Baby 'to ng kapitbahay namin. Pupunta kasi ang Lola nya sa palengke kaya kinuha ko muna para alagaan." Sagot ko habang inaayos ang damit ni Baby Sven.
"Ang cute cute nya! Nakakagigil!" Nakatawang sambit ni Suzy habang nilalaro ang bata. "What's your name baby boy?"
"Sven Ivan ang pangalan nya." Naka-ngisi kong sagot kay Suzy bago ko sinulyapan si Sven na hanggang ngayon ay naka-ngisi parin ng nakakaloko sakin. Inirapan ko ulit sya bago humarap kay Suzy na ngayon ay papalit-palit ng tingin samin ni Sven.
"Baby Sven, sounds good." Narinig kong sabi ni Sven at nang nilingon ko ulit sya ay tuma-tango tango sya habang naglalakad na palabas ng mansyon. Nangunot ang noo ko sa inasta nya. Nababaliw na ata ang isang yun.
"Hey!" Nilingon ko si Suzy na ngayon ay nakataas ang isang kilay sakin. "Anong tinginan nyo na yun ni Sven ha?" Nang-aasar nyang tanong.
"Wala yun Suzy! Masyado lang assumero kapatid mo." Iritado kong sagot sa kanya para tumigil na sya sa pang-aalaska. "Nga pala, bali-balita sa school na nag-transfer kayong magkakapatid dun kasama ang mga kaibigan nyo?"
"Oo. Hindi ko pala nabanggit sayo. Were staying here na for good. That's an order from our Lolo's. Sounds fun, right?" Naka-ngising sabi nya sakin. Alam ko ang ngisi nya na yun, pasaway din kasi itong si Suzy, mana kay Sven. Mabuti nalang at good boy si Damien kahit papano.
"Good to hear that." Naka-ngiti kong sagot.
Nakikipag-titigan lang ako sa kisame namin. Hindi na ako nagtagal kanina sa mansyon ng mga Montemayor dahil nasagot na ang tanong ko ni Suzy. Hindi na sila pinabalik ng New York dahil iyon ang kagustuhan ng mga magulang ng parents nila. Masaya ako na nandito nalang sila ngayon. Madali mapuntahan at makausap.
Nakatulugan ko na ang pag-iisip. Kinabukasan ay nagmamadali akong bumangon dahil mukhang late na ako sa school. Naligo agad ako at nag-ayos. Tumakbo na ako palabas ng kwarto ko. Nadaanan ko pa sila Nanay at Kuya na nasa kusina at natigil sa ere ang mga kamay nilang susubo na sana ang kanin, kundi lang ako nakita. Gusto kong matawa pero pinigilan ko.
"Nay, Kuya! Sa school na po ako kakain. Late na po ako kaya kailangan ko nang magmadali." Hindi ko na hinintay ang mga sagot nila, dumiretso na ako ng labas mula sa bahay namin. Natanaw ko ang Tatay ko na nagkakape sa aming bakuran. Nilapitan ko sya at hinalikan sa pisngi. "Magandang umaga Tay! Pasok na po ako."
"Kumaen kana ba Isabella? Baka mamaya malipasan ka ng gutom ha." Napangiti ako sa sinambit nya. Mahal na mahal talaga ako ng Tatay ko. Niyakap ko sya at hinalikan ulit sa pisngi.
"Sa school na po ako kakaen Tay. Pasok na po ako." Tumango lang syaa bilang sagot kaya lumabas na ako ng bakuran namin.
Lalakarin ko lang ang school dahil malapit lang naman iyon. Inaayos ko ang backpack ko nang may humintong isang magarang sasakyan sa gilid ko. Hindi ko sana papansinin pero nang bumukas ang bintana sa side ko ay napanganga ako. Si Sven lang naman at naka-uniform ng school namin.
"Stop staring. Get in." Mariin nyang sambit bago ako tinitigan ng matiim. Nag-atubili pa ko pero nang maalalang late na ko sa first class ko ay basta ko nalang binuksan ang pintuan ng sasakyan nya atsaka ko binagsak iyon.
"Balak mo bang sirain ang pintuan ng sasakyan ko?" Masungit nyang singhal sakin kaya napatikom ang bibig ko. Mas minabuti na hindi na sumagot.
Mabilis lang ang naging biyahe namin. Hindi sya nagsasalita at tutok lang ang mga mata sa daan kaya tumahimik nalang din ako.
Marami agad ang mga matang nakapako sa sasakyan ni Sven nang pumasok kami sa gate ng Montemayor University. Wait, nasabi ko na bang sa kanila mismo ang school na'to? Kaya nga nang malaman ko na sila ang transferee ay di na ko kumibo dahil school nila ito at pwede silang lumipat anumang oras.
Ipinarada ni Sven ang sasakyan sa mismong lobby ng school. Ayoko sanang lumabas dahil halos lahat ng istudyante sa M.U ay nakatitig sa kinalalagyan namin at mukhang hinihintay ang mga lalabas mula dito.
"Gusto mo bang buhatin pa kita para mailabas ng sasakyan ko?" Iritado nyang sambit kaya dali-dali akong lumabas ng sasakyan nya. Magpapasalamat sana ako pero mabilis din syang lumabas ng sasakyan nya at nilagpasan ako.
Laglag ang mga panga ng lahat ng nakakita samin. Ang iba ay naglalaway na, habang nakatingin kay Sven na salubong ang mga kilay. Di ko sila masisisi, napakagandang lalaki ng hambog na yun kahit ganun ang ugali. Kanino kaya yun nagmana? Mukhang hindi naman kay Sir Sebastian, dahil may playful side ang ama nya, habang sya ay mukhang problemado lagi sa buhay. Mas lalong hindi kay Tita Bree. Mala-anghel ang pag-uugali nun kumpara sa kanya na may lahi ata ng demonyo.
"Uy, Bella! Bali-balita na kasabay ka daw ni Sven Axl Montemayor kaninang umaga? Ikaw ha." Nang-aasar na sabi sakin ni Cleo na nagpa-iling sakin. May pakpak talaga ang balita, kung saan saan nakakarating. Parang virus na napakabilis kumalat kada minuto.
"Walang ibig sabihin yun Cleo, ano ka ba!" Naiirita kong sagot sa kanya dahil pati sila Hanna at Nicole ay mga naka-ngisi na sakin. Bakit ba kasi ang tagal dumating ng boys?
"Asuuus! Pero infairness girl, bagay kayo!" Malaki ang ngisi ni Hanna. Parang laging walang problema ang isa na'to. Laging masaya lang. Sinagot ko lang sya ng isang irap na nagpatawa sa kanilang tatlo.
"Yeah. Sa ganda nitong si Bella? Malabong hindi mahumaling sayo si Sven." Panggagatong naman ni Nicole.
"Tigilan nyo nga akong tatlo! Kundi isasalaksak ko sa lalamunan nyo yang mga pagkain nyo!" Pananakot ko sa kanila kunwari na tinawanan lang ako kaya napa-simangot ako at hindi na kumibo.
"Hi girls! Late na naman kami. Practice eh." Wika ni Jake ay kumuha na sila ng mga upuan nila Oliver at Peter.
"It's okay. Tara kumaen na tayo. Inorder narin namin kayo ng lunch nyo. Bayaran nyo yan samin!" Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Cleo. Sigurista pa naman ang isang ito. Hindi mo basta-basta magugulangan.
Natigil ako sa pagkain nang sikuhin ako ni Nicole na syang katabi ko sa mesa. Nakakunot noo akong tumingin sa kanya. Ngumuso sya na parang may tinuturo. Nang tingnan ko ang nginu-nguso nya ay napanganga ako. Nasa di kalayuan ang grupo nina Sven kung saan ay nandun sila, Damien, Jan, Richmond at Haxlee. Pare-parehas silang ngumisi sakin nang makita nilang nakanganga ako sa kanila.
"Hi Isabella!" Malakas na sabi ni Richmond kaya namula ako sa hiya. Ang lakas ng boses nya at dahil nasa kanila ang atensyon ng lahat sa canteen na'to ay naagaw ko din ang atensyon nila nang tawagin ako ni Richmond.
Ngumiti nalang ako at tumango sa kanila pero nang madako ang mga mata ko kay Sven, ay isang irap ang ibinigay nya sakin. What the hell? Is he gay? Gusto kong matawa ng malakas pero pinigilan ko dahil baka mapatay ako ni Sven pag ginawa ko yun. Jusko! Di nya bagay maging isang bakla. Ang laki at ang tangkad nyang lalaki at manly na manly ang kanyang pagmumukha kaya hindi talaga babagay sa kanya ang maging bakla!
"Hoy inday! Anong nangyayari sayo? Ngumi-ngisi ka dyan mag-isa! Ano? Kinikilig ampeg? Porket napansin ng isang Richmond Montemayor?" Pinanlakihan ko ng mata si Cleo na bumunghalit lang ng tawa.
"Bella, pansin ko lang pag di ka nakatingin sa grupo nila o kung busy ka sa pagkain, laging nakatitig sayo si Montemayor. Ayiiiee!" Nagtawanan na naman ang girls sa sinabi ni Cleo. Nangunot naman ang noo ng boys na nasa mesa namin. Hindi na ako magtataka, dahil napaka-over protective nila saming apat. Ayaw nila ng may basta nalang manliligaw samin. Kailangan muna nilang kilatisin. Kaya nga walang makalapit samin na ibang lalaki dahil sa mga barakong kasama namin.
"Montemayor? Yung kababata at anak ng may-ari ng school na'to?" Seryosong tanong ni Oliver na nagpa-tahimik sa tatlo sa kakatawa. Sige tawa pa. Hindi ko nalang sila pinansin at mas nag-focus ako sa pagkain ko. Naririnig ko pa kung pano sagutin ni Cleo si Oliver. Bahagya ko pang naramdaman si Oliver na mas dumikit sakin at umakbay sa upuan ko. Hinayaan ko nalang para wala ng mahabang usapan.
"Ano ka ba Oliver! Hindi na kami mga bata para hindi magpaligaw sa iba no? Dalaga na kami! At anong inaangal-angal nyo dyan ha? Sven Axl Montemayor na yun oy! Bagay sila ni Isabella." Kung mga magpalitan ng salita akala mong wala ako sa harapan nila.
Hindi ko narinig na sumagot si Oliver. Kundi si Peter. "Hindi ko gusto ang mga titig nya sayo Isabella. Lalaki rin kami at nababasa namin ang kapwa namin lalaki kung may gusto sya sa isang babae. Pero sa kaso ni Sven, may kakaiba." Napa-angat ako ng tingin kay Peter. Seryoso sya at ramdam mo na hindi sya nagsisinungaling. Napailing ako at alanganing ngumiti sa kanila.
"Ano ba kayo! Walang gusto sakin si Sven no! Magkababata kami kaya wag na kayo mag-imagine ng kung ano-ano dyan dahil ang totoo ay pinabantayan ako ni Kuya Mon sa kanya. Alam nyo naman si Kuya diba?" Palusot ko. Hindi nga close si Kuya Mon at Sven eh. At mukhang ayaw rin ni Kuya kay Sven.
Sabay-sabay kaming lumakad palabas ng school na magkakaibigan dahil uwian na namin.
"Bye girls! Ingat kayo sa pag-uwi ha." Tumango lang kami sa kanila at nag-abang na ng masasakyan sila Cleo. Ako nama'y nagpaalam narin sa kanila dahil kailangan ko nang umuwi.
Di pa ko nakakalayo sa school nang may huminto na naman na isang magarang sasakyan sa harapan ko. Di na ko nagulat nang mabungaran ko ang maangas at madilim na pagmumukha ni Sven. Nagtataka lang ako dahil mukhang badtrip sya ngayon. Sabagay, pinaglihi nga pala 'to sa sama ng loob kaya ganyan sya lagi.
"Hop in." Mariin nyang utos na ikina-simangot ko. Hindi man lang ayusin ang pakikipag-usap. Babae parin kaya ako no!
"Thank you, but no. I can manage to go home with myself." Mariin kong sagot sa kanya at hindi bumitiw ng titig sa kanya.
Tumaas ang sulok ng labi nya at walang pasabing bumaba mula sa sasakyan nya. Napaatras ako nang lumakad sya palapit sakin. Napahigpit din ang kapit ko sa strap ng bag ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman dahil kitang-kita ko kung paano magtagis ang kanyang bagang pati nanlilisik ang mga mata nya habang nakatingin sakin. Oh damn! Anong nangyayari kay Sven? Tumanggi lang ako sa alok nya tapos ganito na ang nangyayari sa kanya? He's crazy!
Tinalikuran ko sya para umalis na pero ganun nalang ang pagkabigla ko nang maramdaman ang kanyang malalaking braso sa maliit kong beywang, at walang babalang binuhat na parang papel lang. Natauhan lang ako nang mai-lock na nya ang seatbelt ko. Sa galit ko ay hinampas ko sya ng malakas sa dibdib.
"What the hell Sven?! Palabasin mo ko! Ayokong sumabay sayo sa pag-uwi!" Patuloy parin ako sa pag-sigaw kahit umaandar na ang sasakyan nya. Inis na inis ako nang wala man lang syang reaction kundi ang madilim nyang anyo. "Do you hear me, Sven?" Sarkastiko kong sabi. Natural na maririnig nya ko pero literal lang talagang hindi nya ako pinapansin. Hangin nga ako e. Hangin!
"Isabella." He called me in a warning tone. Tinaasan ko lang sya ng kilay at humalukipkip na lamang. Naiinis parin ako sa inasta nya. Pa-bossy talaga kahit kelan! "Didn't I told you that I don't want any other boy with you around? Do you remember that? Or you're just a brat na kailangan kong disiplinahin?" Mahina pero may banta sa boses nya.
Pinanlamigan ako ng kamay sa narinig ko. Hindi pa ba kami tapos sa issue na'to? Akala ko tapos na dahil mga binata't dalaga na kami pero ano na naman 'to? Bakit nagkaka-ganito na naman si Sven?
"f**k! I'm f*****g jealous Isabella! I want you for myself! I want you to be mine only! You're mine Isabella, you're mine! Put that in your head! You're Sven's territory! And no one will take you away from me."
Nalaglag ang panga ko sa narinig mula kay Sven. Seryoso sya at ramdam ko yun sa mga mata nyang mariing nakatitig sakin. Nakaramdam ako ng takot at kaba. Hindi ko alam ang gagawin, hindi ko rin maalis ang titig sa kanya habang paulit-ulit nyang hinahampas ang manibela ng sasakyan nya. He's crazy! He's f*****g crazy! At natatakot ako sa pwede nyang gawin sakin..