BUMANGON na rin si Camilla at lumabas ng kuwarto. Nangamoy fried chicken ang buong bahay at bigla siyang ginutom. Inayos na pala ni Chase ang dining set sa lanai. Inalisan na nito ng plastic ang ibang furniture. Nasa laundry room pa si Marlon at nagliligpit ng kalat. “Tapos ka na bang magluto, Marlon?” tanong niya sa lalaki. “Yes, ma’am. Huhugasan ko lang itong mga ginamit naming bowl at plato.” “May kanin na ba kayo? Baka magkulang ang ulam n’yo.” Sinilip niya ang nalutong fried chicken sa malaking stainless na bowl. “Kasya na po ‘yan. Anim lang naman kami.” “Sige. Pero saan kayo matutulog?” “Gumawa po ng barracks sa likod ng bahay ang mga kasama ko. Hindi naman kami sabay matutulog.” “Baka malamok doon. Dalhin n’yo ang electric fan na nasa salas.” “Opo. Salamat.” Kinuha na niya