WARI nabunutan ng bara sa dibdib si Camilla nang makarating sila sa bahay ng kaniyang tiya. Dahil sa takot ay halos ayaw na niyang paalisin si Chase. It’s weird that she suddenly relies on Chase’s protection. His presence made her fear gone instantly. She felt safe while Chase was around. “Dito mo na muna patulugin sa kuwarto mo si Charlie para mabantayan mo,” ani Chase. Inilapag na nito sa kama niya si Charlie na masarap na ang tulog. “Teka, aalis na ba kayo?” balisang tanong niya. “Oo. Kailangan na kami sa headquarters.” “Paano kung biglang susugod dito ang tauhan ni Daddy?” “Hindi sila basta makasugod dito, matao. Nagdagdag na ako ng guwardiya at may hiniram akong snipers ni Alejandro na magmanman sa paligid. Mahusay silang mangilatis ng target.” “Eh, baka kayo naman ang sundan