UPANG matigil ang issue kay Camilla, pumayag siya sa kasunduang kasal sa panig ni Chase. Pikit-mata siyang tinanggap ang engagement ring nito at isinagawa ang traditional engagement celebration sa bahay nila. As she expected, hindi na nagpakita si Nico. Si Sania lang ang sumama sa pagdiriwang.
Mabilis kumalat ang balita na ikakasal na siya, maging sa ospital, kaso puro negative ang komento ng mga tao dahil ibang lalaki ang pakakasalan niya. Marami ang naghinayang sa sampung taon nilang relasyon ni Nico. Kahit naman siya ay sobrang naghihinayang at hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng pangyayari.
Useless din pala ang kasal dahil pinagpiyestahan pa rin siya ng tsismosa sa bayan nila. Hindi pa niya sinasabi kay Chase na buntis siya. Umaasa siya na magbago pa ang isip ni Nico at muli siyang tanggapin, kaso ni anino nito hindi niya nakita. Ayon kay Sania, nasa Batangas umano si Nico at may ginagawang project.
Wari pugot ang kaniyang ulo habang naglalakad sa ospital, maging kahit saan siya magpunta dahil napag-uusapan siya. Kung puwede na lang ay umalis na siya sa lugar na ‘yon. Kilala pa naman ang angkan nila.
Palabas na siya ng ospital nang salubungin siya ni Chase sa exit.
“Hi! I dropped by to pick you up,” sabi nito.
Malimit pa rin niyang kinakausap si Chase kung hindi kailangan. Umiinit lang kasi ang kaniyang ulo sa tuwing nakikita ito.
“Salamat pero may pupuntahan pa ako,” sabi niya.
“I will go with you.”
“Huwag na.”
“Please, don’t act like a stranger, Camilla.”
Iniwasan na niya ito pero sinundan pa rin siya. Tatawid na sana siya sa kalsada ngunit namataan niya ang pamilyar na lalaki sa kabilang kalsada, nakasandal sa itim na kotse at may hithit na sigarilyo. Ito ang tatay niya na tinalikuran ang normal na buhay.
Nilamon na siya ng kaba at walang choice kundi sumama kay Chase. Dadaan lang naman siya sa botika para makabili ng vitamins. Mas mura kasi roon. Habang lulan ng kotse ni Chase ay panay ang sipat niya sa side mirror. Pansin niya na nakasunod sa kanila ang kotse ng kaniyang ama.
“Uh, Chase, puwede bang bilisan natin?” hiling niya sa binata.
“Sure. Saan ka ba pupunta?” anito.
“May bibilhin lang ako sa botika pero puwede bang ikaw na ang bibili? Masama kasi ang pakiramdam ko.”
“No problem.”
Bumilis ang takbo ng kotse at nailigaw nila ang sumusunod sa kanila. Pero hindi siya nagpakampanti. Bibigyan sana niya ng pera si Chase pambili ng vitamins pero hindi nito tinanggap. Basta lang ito lumabas ng kotse nang maibigay niya ang listahan ng bibilhin.
Bumalik ang kaniyang kaba nang mapansin ang kotse ng kaniyang ama na nakahinto sa unahan nila. Bumaba ng kotse ang tatay niya at akmang lalapit sa puwesto niya ngunit bigla ring umatras nang makita si Chase. Bumakas sa mukha nito ang pagkawindang. Mabilis itong bumalik ng kotse at umalis.
Kaagad ding nagmaniobra si Chase nang muling makasakay. Nabili naman nito lahat ng kailangan niya.
“If you’re uncomfortable living here, we can move to Manila after the wedding,” basag ni Chase sa katahimikan.
Gilalas siyang napatitig dito. “N-No need. Puwede naman tayong lumipat ng bahay pero hindi ako aalis dito,” giit niya.
“No problem. Pero mukhang hindi ka pa rin kompartable sa akin.”
“Paano ako magiging komportable? Hindi maganda ang mga nangyari sa atin.” Tumingin siya sa labas buhat sa salamin.
Mayamaya ay kumislot siya nang biglang dumapo ang kamay ni Chase sa kaniyang leeg, tila pinupulsuhan siya. Naitabing niya bigla ang kamay nito.
“Ano ba!” asik niya.
“Sorry. May tiningnan lang ako,” anito.
Inalipin naman siya ng kaba nang maalala na doktor pala si Chase. Kumukuha na ito ng specialization at para maging surgeon.
“Hanggat hindi kita binibigyan ng permiso na hawakan ako, huwag mong gagawin,” sabi niya.
Pilyong ngumiti si Chase. “Alright. Pero once kasal na tayo, may karapatan na akong hawakan ka.”
Inirapan lang niya ito at hindi na kinibo.
Pagdating sa kanilang bahay ay nagpasalamat lang siya kay Chase sabay iwas dito. Hindi na rin siya nito kinausap. Wala pa siyang balak magsabi ng totoo kay Chase. Saka na niya ipagkakalat na buntis siya ilang buwan pagkatapos ng kasal para iwas malalang tsismis.
Isang buwan na lang bago ang kasal. Hindi pa nag-leave sa trabaho si Camilla pero nagpalipat na siya ng duty sa umaga. Naghahanda na ang mommy niya sa kailangan sa kasal. Naasikaso na rin ang papeles at sagot na ni Chase lahat ng gastos sa pagdiriwang. Medyo humupa ang tsismis kaya panatag si Camilla na matatapos na ang problema.
Pero hirap pa rin siyang mai-set ang isip sa reyalidad. Pakiramdam niya’y nasa isang masamang panaginip lamang siya. Umaasa pa rin siya na magigising siya at babalik sa normal ang kaniyang buhay. Ilang araw wala si Chase dahil may duty umano ito sa ospital sa Maynila. Babalik na lang umano ito dalawang linggo bago ang kasal nila.
Lunes ng hapon ay nag-under time sa duty si Camilla. Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya. Pabigla-bigla siyang nahihilo. Palabas na siya ng ospital nang mapansin ang kotse ng kaniyang ama. Tanda pa niya ang plate number nito at design. Nagkunwari siyang hindi ito napansin at diretso ang lakad patungong kalsada.
Mayamaya ay may kamay na pumigil sa kaniyang kanang braso. Iniwaksi niya ito sabay pihit dito paharap. Tatay na naman niya ito. Bigla na itong nagparamdam samantalang ilang buwan itong nanahimik. Maaring may pakay na naman ito sa kaniya kaya siya kinakabahan.
“Lumayo ka sa akin!” singhal niya sa ama.
Ngumisi pa ang ginoo. “Bakit ba lalo kang naging mailap sa akin, anak? Hindi ko na nga ipinilit ang maling desisyon ko. Gusto lang naman kitang makita at makausap,” anito.
“Oo nga pero nag-iwan ‘yon ng trauma sa akin, Dad. Kung patuloy kayong lalapit sa akin, mapapalapit din ako sa panganib.”
Hindi niya makalimutan ang iniwang problema sa kanila noon ng kaniyang ama. Tatlong taon ang lumipas noong natuklasan nila na leader ng sindikato ang tatay niya at maraming kaalyadong international mafia boss. Wala siyang kamalay-malay na balak pala siya nitong ipakasal sana sa kaibigan nitong mafia boss kapalit ng leadership sa mafia organization.
“Hindi mo pa rin ba ako kayang patawarin, anak?” may pagsamong tanong nito.
Labag man sa loob niya na itakwil ang kaniyang ama, kailangan dahil mapapahamak silang mag-ina, unless talikuran nito ang ilegal na trabaho. She was once a daddy’s girl, but she was unaware of her father’s true color before.
“Sorry, Dad. You chose that path to separate from us. Please leave us in a safe place if you can’t live with us,” mangiyak-ngiyak niyang pahayag.
“I want to, but it’s risky. Once I leave my life now, I have nothing to prove to your mother and her family but a shame. But please, don’t hate me, Camilla. I know you still love me. Nasasaktan ako sa tuwing itinataboy mo ako.”
“Yes, but accepting you again was a big mistake. Never again, Dad.”
Akmang hahawakan siya nito sa kanang braso ngunit iniwaksi niya ang kamay nito. Tumapang ang anyo nito.
“You keep on avoiding me because I am a mafia. And now, you will get married to the same person or worse than me!”
Nagimbal siya, hindi kaagad nakuha ang ibig sabihin ng kaniyang ama. “A-Anong ibig n’yong sabihin, Dad?” kabadong tanong niya.
“I know who your fiance is, Camilla. He is Chase Guilliani, the son of Victorino Guilliani, the mafia lord who can destroy everything using his dangerous intelligence. Chase was the only heir of Victorino’s giant mafia organization. And, of course, like father, like son. Mas matinik pang mafia boss si Chase kumpara sa tatay niya maging sa mga kaalyado ko. Kaya niyang manipulahin ang sitwasyon sa paligid niya. He hid his real identity as a doctor with his charm, but behind his beautiful face, he was a monster. And if you want me to stop sneaking around your life, don’t marry Chase. I will not allow you to marry a man like me or worse than me, Camilla. I already regretted my decision since I saw your scared face.”
Natigagal siya at inalipin ng takot dahil sa rebelasyon ng kaniyang ama. Kung nagsisinungaling ito, bakit kilala nito si Chase?
Hindi na siya nagkomento sa sinabi ng kaniyang ama at sumakay na ng jeep. Ngunit pilit umuukilkil sa kaniyang kukoti ang sinabi ng tatay niya. Hindi na matahimik ang kaniyang isip. Wala siyang choice kundi komprontahin ang mommy ni Chase, na siyang higit nakakilala sa anak nito.
Nang makaharap niya ang ginang, nasi-sense na niya ang in denial nitong sagot sa tanong niya tungkol kay Chase.
“Please, Tita, magsabi ka sa akin ng totoo. Don’t drag me in the miserable situation, maawa ka. May trauma na ako kay Daddy,” samo niya sa ginang.
Mula ospital ay dumiretso siya roon sa bahay nila Nico. Nataong naroon si Rochelle, ang ina nito.
Hindi makatingin nang diretso sa kaniyang mga mata ang ginang. Kaharap lang niya ito habang nakaupo sila sa couch. Ayaw pa rin nitong magsabi ng totoo kaya pinilit niya.
“Aamin man kayo o hindi, uurong ako sa kasal namin ni Chase,” namumurong sabi niya.
“Camilla, we’ve come too far for this; please don’t leave this marriage agreement in vain,” pakiusap din ni Rochelle.
“Then, tell me the truth, Tita. Kilala mo ang anak mo, imposibleng hindi.”
Bahagyang napayuko si Rochelle. “I can’t deny that Chase’s father was a mafia, and he runs multiple mafia organizations in Sicily and everywhere in Southern Italy. And I didn’t expect that Chase would follow his father’s path. Ang alam ko kasi hindi magkasundo ang mag-ama kaya imposibleng gagawin din ni Chase ang gawain ng tatay niya. And Chase studied medicine in the US, so I thought he was fine with his chosen profession. I thought he didn’t do illegal stuff, but he did. I tried to stop him, but his rebellion pushed me away,” kuwento nito.
Nawindang siya. It makes sense that Chase talks to his mother like someone else. He’s rude and superior sometimes.
“And why Chase was here living with you and your family?” usisa niya.
“I don’t really know what his plan is. Mahirap mahulaan ang nasa isip ni Chase. Nagulat na lang ako kasi bigla siyang umuwi rito. Dati naman ay ayaw niya rito.”
And she made a decision. “Sorry, Tita, hindi ko kayang magpakasal kay Chase,” mariing sabi niya.
“What about your pregnancy? We can’t let you raise the child alone.”
Alam ni Rochelle na buntis siya dahil sinabi ng mommy niya, pero usapan nila na lihim muna ‘yon.
“Ayaw kong malaman ni Chase ang tungkol sa pagbubuntis ko, Tita. Lulunukin ko na lang lahat ng kahihiyan kaysa makasama ang anak n’yo.” Tumayo na siya.
“Camilla, give my son a chance. Tutulong ako na mailayo si Chase sa buhay na nakasanayan niya. Malay mo, baka bigla siyang magbago once kasal na kayo.”
She chuckled with sarcasm. “Your son was hard to understand, Tita. He's been mysterious since I first met him. I know there is something wrong with him, at tama nga ako. Sorry, my decision is final. Walang kasal na magaganap.” Hinubad niya ang engagement ring na suot saka inilapag sa mesita. “Pakibalik na lang ‘to kay Chase. And tell him, don’t chase me. I will leave this place for my peace of mind.”
“Camilla….”
Walang likod-lingon siyang lumisan. Hindi na magbabago ang kaniyang isip gayong malinaw na sa kaniya ang lahat. She will not drag herself into the same nightmare her father gave her. Never again.
Pag-uwi niya ng bahay ay kaagad niyang sinabi sa ina ang desisyonl. Hindi pinansin ni Camilla ang sermon ng kaniyang ina nang malaman nito ang pag-urong niya sa kasal.
Bago makabalik si Chase ay nag-resign na siya sa ospital. Nakausap na niya ang kaniyang tiyahin na nasa Maynila at doon siya maninirahan. Tumira na siya noon sa kaniyang tiya noong nag-aaral siya ng college.
Since ayaw makisimpatiya ng kaniyang ina, wala siyang choice kundi lumayo sa nakasasakal na mundo. She will raise her child alone. Sisikapin niyang makayanan ang buhay na mag-isang magulang.