PAGDATING ng bahay ay nadatnan ni Camilla ang kaniyang tiyahin sa kusina at nagluluto pa lang ng hapunan. Alas-otso na ng gabi. Dapat ay siya ang magluluto kaso naipit na sila sa traffic kaya natagalan. “Pasensiya na, Tita. Ilang oras din kami naipit sa traffic,” sabi niya sa ginang. “Ayos lang, hija. Alam kong pagod ka na. Malapit na ring maluto itong sinigang na bangus. Nagugutom na si Charlie at kanina pa pabalik-balik dito. Binigyan ko na lang siya ng tirang adobong manok at pinapak niya.” “Salamat po. Magbibihis lang ako.” Pumanhik na siya sa second floor. Naroon sa kuwarto niya si Charlie at pinakialaman ang mga libro niya about nursing aid. Nakahiga pa ito sa kama. “Mommy!” sabik nitong sambit. Bumalikwas ito ng tayo at kaagad yumakap sa kan’ya. “Sandali lang, maghuhugas muna