CHASE can’t decide if he will going to face the police. But because of Camilla’s courage, he got an idea of how to deal with the situation. He came out from the guest room. Pinapasok pa ni Camilla ang dalawang pulis. May mga kasama pang iba at tiningnan ang kotse nila sa labas na may tama ng baril. Lumabas din ang driver niya at gustong tumulong na magpaliwanag. “Magandang gabi, Dr. Guilliani! Pasensiya na sa abala,” sabi ng pulis na merong three star sa itaas ng name plate. “Good evening! I’m glad you’re here. Magre-report pa lang sana kami kaso may tama ang driver ko kaya inasikaso ko muna. Buntis din ang asawa ko kaya nag-panic na kami,” aniya. Umupo siya sa tabi ni Camilla at hinawakan ang nanlalamig nitong kamay. Umupo rin sa couch ang dalawang pulis katapat nila. “Kukunan lang po