Chapter 77

2033 Words

HININGAL si Camilla nang pakawalan siya ni Chase. Nahilo pa siya sa lakas ng pag-alog ng kan’yang katawan. Hindi pa humupa ang pangangatal ang kan’yang katawan kaya nanatili siyang nakahiga. Kinumutan naman siya ni Chase at nauna na itong nagbihis. Lumabas ito ng kuwarto dahil ayaw tumigil ni Charlie sa pagtatawag. Nakaidlip ng ilang minuto si Camilla. Magaan na rin ang kan’yang pakiramdam. Bumangon siya at nagbihis, saktong pumasok si Charlie. “Mommy, let’s eat na po!” anito. “Anak, huwag ka nga biglang papasok kahit nakabukas ang pinto. Kumatok ka muna,” sermon niya sa anak. “Sorry po, Mommy.” “Sige na. Susunod na ako.” “Okay.” Muli rin itong lumabas. Nang makapagbihis ay lumabas na rin siya. Naghihintay na ang kan’yang mag-ama sa hapag. “Umalis na ba si Yoshin?” tanong niya. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD