Maegan's Point Of View* Nakatingin ako kay Den at napakagat ako sa labi ko at pinigilan kong makilig sa sinabi niya. "Kumain ka na nga." Tiningnan ko ang mga magulang niya at nakita ko na nakangiti sila. "Ayiee, namumula ang Sweetie namin." "Mom, naman eh..." At ayun nagtawanan silang lahat at ako siguro para na akong kamatis nito sa sobrang pula. Matapos kaming kumain ay hinatid na namin ang mag ama sa sasakyan nila sa harapan sa may entrance. "Mag iingat kayo sa daan, Hon." Nagkiss naman sila sa labi at napangiti ako dahil same sila sa mga magulang ko ka sweet. Napatingin naman sila sa amin na kinagulat ko at napatingin ako kay Den na nakatingin sa akin. "B-Bakit?" At doon ko nagets ang mean nila na gawin ko din ang ginawa nila. "Eh? Mag iingat kayo sa daan. Pag may mangyari