Maegan's Point Of View* Tumingin ako sa mga babaeng kaklase ko noon na grabe makatingin sa akin. "Bakit galit pa kayo sa akin? Di pa ba kayo nakaka move on sa pagbubully sa akin noon? Magbago na kayo kasi malalaki na kayo at nasa tamang edad na kayo ngayon." Napakunot naman ang mga noo nila sa sinabi ko. "What!" Ngumiti na lang ako at tumingin sa harapan dahil nagsisimula na ang event na nangungulo ay si President sa hosting. "Good evening sa inyong lahat. Salamat sa mga dumalo para sa pagtitipon natin ngayong gabi. At sa nagsponsor sa event na ito ay salamat din at di muna niya ipapasabi kung sino siya basta malalaman lang ninyo sa huli kung sino. Oh diba pa mysterious." "Siguro sobrang yaman ng nagsponsor dito dahil grabe talaga ang gastos dito maging maganda lang ang reunion nati