Maegan's Point Of View* Papunta na kami ngayon sa Italya at nandidito kami ngayon sa airport. Tiningnan ko ang oras at hihintayin lang namin na ma park ang Private plane ni Aiden. Maka sana all na lang dahil Private Plane iyon. "Sweetheart, are you still mad at me?" tanong niya sa akin at tiningnan ko siya. "Ewan ko sayo." "Bawal na bang makipag holding hands sayo?" tanong niya sa akin. "Pwede tayong mag holding hands pero hindi sa harapan ng mga kapatid ko. Baka nakakalimutan mo na malalakas ang sense naming Tatlo." "Okay, okay, I already understand our situation." Nakita ko na nalungkot naman ang mukha niya. Kagaya ngayon ay nakikita ko na gusto niyang hawakan ang kamay ko pero natatakot siya na baka magalit ulit ako. "Sweetheart, kinahihiya mo ba talaga ako?" hindi siya nak