Maegan's Point Of View* Magkasama kami ngayon ng Mom ni Aiden na si Mom Daine. Nandidito kami ngayon sa Garden nila at ang ganda ng garden nila. May greenhouse kasi sila ang nakakakalma ang paligid at ang bango ng paligid. Pumilit ako dahil naririnig ko din ang mga ibon sa paligid. "You like this place, Sweetie? Napamulat ako at tumango tango. "Yes po, nakakakalma po ng isipan." "Hmm, you're right, alam mo pinatayo ko ito nung pinagbubuntis ko pa si Aiden." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Alam mo natapos itong gawin nung ipinanganak ko siya. Diba ka edad niya ang greenhouse na ito." "Oo nga po." "Then, naalala ko na dito pa siya nag aaral noon hanggang sa lumaki siya. Hindi namin siya nakakasama dahil busy kami sa mga gawain namin sa Kompanya. Hindi namin na suba