Tisoy Naabutan ko si Kayla sa basement. Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya kay Lia. Ganito na ba siya noon pa? Sinasaktan niya ang kapatid niya? "A-Allen, why are you here?" My jaws clenched. "What did you do?" "What?" Parang may napagtanto siya. "Magkasama ba kayo ni Andrea?" I saw anger and hatred in her eyes. Hindi para sa akin kundi para sa kapatid niya. Ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kay Lia. Parang ang dali niyang magalit sa kapatid niya. Nagawa pa niyang pagbuhatan ng kamay. Mahigpit kong hinawakan ang braso niya. Agad niyang ininda ang hawak ko. "Huwag mo nang sasaktan pa uli si Lia. The next time you hurt her, you will not like what I would do to you," I warned her. She couldn't just hurt Lia. Lalo at nandito na ako. Hindi siya nakapagsalita at mukhang nagul

