Lumusong ako sa tubig. Pag-ahon ko ay biglang nasa harap ko na si Kristoff! Nanlaki ang mga mata ko at napaatras. Nilingon ko ang iniwan ko kanina. Hindi ko makita si Kayla. Siguro nagpapalit pa. "W-what are you..." Titig na titig siya sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya o seryoso. "Mommy! Come here!" Nilingon ko ang tumawag and I saw my son sitting on Atty. Castillano's nape and shoulders. Bahagya akong kumaway at bumaling muli kay Kristoff na nanatili sa harap ko. "Mommy!" patuloy ang pagtawag sa akin ni Toffie at mukhang papalapit sila. "You're married." Hindi ko nakuha ang sinabi ni Kristoff dahil sa lakas ng tawag sa akin ng anak ko. Muli kong nilingon sina Toffie, pagkatapos ay balik muli kay Kristoff. Sandali kaming nagkatinginan at lumangoy na ako palayo sa kanya at pa

