Nakaunan ako sa braso ni Mommy habang nanonood kami ng movie sa kuwarto nila ni Daddy. Sa kabila ng pagiging busy nila, they would really find time to spend it with me and my brother gaya ngayon. Kahit panonood lang ng movies together. Halos nakahiga kaming dalawa ni Mommy sa kama habang nakasandal naman sa headboard si Daddy. Si Kuya naman ay nakasandal ang likod sa paanan ng kama. He was just sitting on the carpeted floor. Halos mapatili ako at mapasuksok sa gilid ni Mommy nang magpakita ang multo sa screen. Natawa si Mommy at niyakap ako. Natawa na rin sina Daddy at Kuya. Binato pa ako ni Kuya ng popcorn. Agad naman akong nagsumbong kay Mommy. "Mommy, si Kuya, binabato ako ng popcorn." "Stop it, Kristoff," saway sa kanya ni Mommy. I stuck my tongue at him. Pero tumawa lang siya.

