Inayos ko muna ang sarili bago pumasok sa mansiyon. Mukhang nasa dining na sila kaya sumunod na ako doon at naupo sa tabi ni Alecx.
"Sa'n ka galing?" salubong na tanong sa akin ni Alecx. "Kinuha ko lang ang phone ko. Naiwan sa sasakyan."
She nodded. "Mabuti at naabutan mo." Sinabi rin niya na nag-excuse daw si Tita Elsa at may tumawag sa cell phone nito.
Tumango lang ako.
Mayamaya lang ay nakabalik na rin si Tita Elsa. Nakangiti siya sa amin. "Sorry about that. It's my nephews at pupunta raw sila rito." She sighed. Naupo siya at nagsimula nang magsilbi ang mga katulong.
"Thank you for this, Tita," I said.
Umiling siya. "Don't mention it, hija. Sana ay mag-enjoy kayo sa stay ninyo rito." She smiled.
Ang alam ko ay hindi na nakapag-asawa at nagkapamilya si Tita Elsa. Nag-iisa siyang anak na babae at itong isla ang ipinamana sa kanya ng mga yumao niyang magulang.
"I hope you like the food."
Maagap kaming tumango ni Alecx.
Tita Elsa smiled. "You know my nephews, hija?" baling niya sa akin.
Alangan akong umiling. Hindi ko masyadong kilala ang pamilya nila.
She sighed. "You see, wala akong asawa o anak. I'm living alone in this island with the maids and bodyguards. Kaya naisipan ko na ring buksan sa publiko ang ilang parte nitong isla."
"At kilala na po itong island resort ninyo, Tita," I mentioned.
Tumango siya at ngumiti. "Mabuti at naisipan ninyong magbakasyon dito sa akin, hija. Gusto ko sana talagang magkaroon ng kahit pamangkin lang na babae. Pero gaya ng sa mga ama nila ay lalaki pa rin ang ibinigay sa akin. Sabi ko, sa mga magiging girlfriend na lang nila, but those two..." Umiling siya. "... Puro paglalaro pa lang talaga. Although Rye had a serious relationship before. Pero naghiwalay rin sila ng longtime girlfriend niya."
Bahagya kaming natigilan ni Alecx sa huli niyang sinabi.
That was... sad.
Ngumiti si Tita Elsa. "Rye is my nephew, hija. And Russel. Pupunta nga raw sila rito kasama ang ilang kaibigan kaya makikilala n'yo rin sila."
Tumango at ngumiti kami ni Alecx.
Pagkatapos ng lunch ay pinagpahinga na muna kami ni Tita Elsa. The maids brought us to our rooms. Tig-isang kuwarto kami ni Alecx na magkatabi lang din.
The maids offered help or service pero sinabi ko nang kaya na namin. Okay lang naman at nakakahiya rin sa kanila. Baka may iba pa silang trabaho dito sa malaking bahay. Kaya iniwan na lang nila kami pagkatapos.
"Malaki rin ang bahay namin pero mas malaki talaga ito. I like the rooms. Though naisip ko na baka may multo mamayang gabi," Alecx said as she laid down my bed. Nag- aayos naman ako ng ilang gamit galing sa bag ko.
"What are you saying?" Nakangiting napailing na lang ako.
Alecx shrugged. "Sa laki nitong bahay, baka mamaya, nakakatakot, lalo 'pag madilim na."
"You can knock on my door later 'pag natakot ka na sa room mo," I teased her a bit.
"Ha. Ha. I'm not a scaredy-cat, 'no?" she said.
Nakatulugan namin ang hapon na iyon sa pagod na rin siguro sa biyahe. Galing Manila, we had a flight to Cebu. And then nag-seaplane papunta rito sa isla. It was an island in the province of Negros Occidental.
Nang magising kami ni Alecx ay halos palubog na ang araw. Mabilis kaming kumilos at nagbihis. Lumabas kami at sinalubong muli ni Tita Elsa.
Pinuri uli niya kami gaya ng ginawa kanina. "Nakapagpahinga ba kayo nang maayos sa mga kuwarto ninyo?" she asked.
Alecx and I nodded.
Niyaya kami ni Tita Elsa sa dining para sa dinner.
Ang bilis ng oras. Parang kanina lang, kaka-lunch pa lang namin.
Pero hindi na lang kami ang nasa hapag dahil dumating na iyong mga pamangkin na binanggit ni Tita Elsa. Saglit kaming nagkabatian bago tuluyang nagsiupuan sa long table at nagsimulang kumain.
"Yes, Russel, she's Christopher's daughter," sabi ni Tita Elsa habang kumakain na kami.
"Oh! I know your dad, Judge Navarro. And Tita Analia," banggit ni Russel sa mga magulang ko, sabay ngiti sa akin. Tita Elsa's nephews were both handsome. Iyon nga lang, mukhang mas friendly iyong Russel compared to Ryder na tahimik lang at hindi talaga halos nagsasalita. But he was polite enough. Pati iyong kaibigan din nilang si Jake. May kasama pa silang dalawang babae.
"Marami tayong puwedeng gawin bukas sa resort!" Si Russel uli na nagsimulang magplano.
Sumang-ayon at nagbigay rin ng suggestions ang mga kaibigan niya.
Mukhang hindi ito ang first time nilang magkakaibigan sa isla. While me and Alecx, it was our first time here. Puro pag-aaral lang talaga ako noon hanggang sa makapasa ako sa Bar. Si Alecx naman ay busy rin sa pagma-manage ng business nila. At ngayon lang din halos nakapagpahinga.
"Hijo, huwag ka nang lumandi sa mga staff ko, please. Nauubusan ako ng empleyado sa 'yo." Si Tita Elsa na hindi ko sigurado kung nagbibiro ba o totoo.
Halos magkamot ng batok si Russel. Pinagtawanan naman siya ng mga kaibigan. Kahit si Ryder na tahimik at inabala lang ang sarili sa pagkain ay nakita kong ngumisi.
Kinabukasan, bumaba kami sa beach. The blue waters welcomed us. My feet touched the white sand. Ang ganda pa ng sikat ng araw. It was exciting!
Kung hindi ko lang muling nakita iyong driver namin kahapon at staff din yata ng resort. Naalala ko ang pagkakakita niya sa kaluluwa ko. I knew it was an accident at hindi naman talaga niya sinasadya. Kasalanan talaga ng dress na suot ko.
Pero ngayon, medyo alangan akong hubarin ang cover-up ko dahil nakikita ko siyang nakatingin.
Bakit ba kasi siya nakatingin?! Wala ba siyang trabaho? Suot naman niya iyong uniform nila dito sa resort.
"The water here is crystal clear. Magandang mag-scuba diving."
Nasa tabi ko na pala si Russel. Bumaling ako sa kanya at tipid siyang nginitian. He was really nice. "I haven't tried that yet."
"Oh." Lalo pa siyang ngumiti. "Don't worry, I'll guide you. It's fun!"
Tumango ako at muling ngumiti. I looked for Alecx and I saw her not so far from where I stood. Halos nakalapit na siya kay Ryder.
Nauna nang lumusong sa dagat si Russel. Sinabi kong susunod na ako. Binalingan ko uli kung saan ko nakita si Tisoy kanina. Yes, I remembered his name. Wala na siya doon. Kaya hinubad ko na iyong cover ko at itinira ang white stringed two-piece. Pinilit lang ako ni Alecx na suotin ito. Kanya ito, actually. Okay na kasi ako sa mga dala kong one-piece bikini. Medyo hindi ako comfortable sa mga ganito at pakiramdam ko, mahuhubad agad sa katawan ko! Kaya pinasiguro ko kanina kay Alecx nang nagbibihis kami sa mansiyon na ayusin niya ang pagkakatali nito.
Unti-unti na rin akong lumusong sa dagat. Umahon si Russel at lumapit sa akin nang hanggang baywang ko pa lang iyong tubig. His lips were parted. Nagtatagal ang tingin niya sa akin kaya lalo akong naging uncomfortable.
"Wow... I mean, sorry," sabi niya nang makita siguro ang discomfort ko.
Niyaya na lang niya akong lumangoy. Naroon na rin si Alecx kaya lumapit ako sa kanya. Sobrang sexy din niya sa suot na stringed bikini na kulay-pula naman.
I enjoyed swimming with my best friend and Russel's friends, too. Lalo sa dalawang babae.
Nauna kaming umahon ni Alecx dahil nauuhaw raw siya kaya sinamahan ko. Natigilan nga lang ako sa paglalakad palapit sa malapit na restaurant nang makita ko uli si Tisoy. Mukhang natigilan din siya nang makita ako.
Saglit na saglit na bumaba ang mga mata niya sa katawan ko. Nag-init ang mukha ko. Wala pa naman akong cover-up at hindi ko na naisuot nang umahon. Naging komportable yata ako, lalo at puro naka-bikini naman ang nakikita ko.
"Hey, Andrea?" Binalikan ako ni Alecx at sinundan ang line of vision ko kaya nakita na rin niya si Tisoy. "Oh," sabi niya. "That guy... Nakalimutan ko nga palang sabihin sa 'yo. Kahapon ko pa siya nahuhuling nakatingin sa 'yo. Simula noong pagdating pa lang natin dito na sinalubong nila tayo. Halos hindi na maalis ang mga mata niya sa 'yo. Panay sulyap din siya sa rearview mirror sa loob ng sasakyan nang hinahatid niya tayo."
Hindi ako nakapagsalita. Nakikita naming abala na si Tisoy sa pag-attend sa needs ng ibang guests ng resort. Tumuloy na kami sa resto.
"Not bad. He's so handsome din!" tuloy ni Alecx kahit nakalayo na kami.
I just shook my head. Um-order na kami. Pagkatapos ko nga lang makuha ang order ko ay tumayo ako para kumuha ng drinks. Muli ay nakita ko na naman si Tisoy. This time ay halos sobrang lapit na namin! Mukhang nagulat din siya nang makita ako.
At sa pagkabigla at pagkataranta ay natapon ko tuloy ang laman ng drinks ko sa sarili ko! Agad kong naramdaman ang lamig n'on sa dibdib ko. Hindi agad ako nakagalaw.
Mabilis na dumalo si Tisoy at maagap na pinunasan ng tissue ang... ang dibdib ko!
Pakiramdam ko, hindi na lang mukha, buong katawan ko na yata ang nag-iinit sa kahihiyan.
Agad niyang binawi ang kamay nang ma-realize ang ginagawa. "S-sorry, Ma'am," he said.
Seriously?! What's with him and my boobs?!