Chapter Eight: Allison - Saved a Billionaire

1331 Words
Bagsak ang mga balikat akong lumabas ng silid, agad namang lumapit sa akin si Steph at inakbayan ako, wari'y alam niya na ang resulta. Di ko na alam kung saang banda kukurba ang labi ko sa pagka dismaya. Gusto kong maiyak nang di ko makita ang sariling pangalan sa listahan ng mga nakapasa at lalo pa akong nalungkot nang maalalang dito nag-aaral si Eleven, chance ko na sana 'to. Bagsak parin ang mga balikat akong napaharap kay Steph nang bigla niya akong hinila paharap sa kanya, umuusok ang ilong at nanggigil, halatang nagpupuyos sa galit. "Anong nangyari sa mga reviewer na binigay ko sayo?" nanlilisik ang mga matang tanong nito. Napayuko ako saka napakamot ng batok habang ngumunguso. "Hai naku, Allison ha. Wag mo 'kong mangusu-ngusuan, di mo ko nanay!" bulyaw nito saka akma akong kukurutin sa tagiliran na agad ko namang iniwasan. "Kaya nga, di kita nanay, ba't ka ba nagagalit, mangungurot ka pa..." nakanguso kong tugon. "Aish! Nagreview ka ba talaga, ba't ka bumagsak?" nanggigil nitong turan. Agad akong napatingala at tumingin sa ibang direksyon, inaalala ang araw na nagrereview ako gamit ang mga librong pinahiram ni Steph. Kunot noong napakagat ako ng labi nang maalalang di ako nakapag-aral, sa halip ay nagdrawing lang ako at natulog. "Sabi ko na nga ba, di ka talaga nag-aral." Wari'y di makapaniwalang napahilamos si Steph sa sariling mukha at mariing napapikit. Tinalikuran ko siya at nagsimulang humakbang paalis, nakakailang hakbang na ako nang sa di kalayua'y may nakita akong matandang lalaki, nakasalampak sa sahig habang sa tabi nito'y nagkalat ang mga papel at ang tungkod nito. "Ma-manong, ayos ka lang po?" nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako dito. Wala akong nakuhang sagot, sa halip ay may kinakapa 'to, agad kong iniabot sa kanya ang tungkod, tinangka nitong tumayo ngunit bumagsak lamang 'to. "Don Alberto?!" bulalas ko nang makilala ito. "Don Alberto!" napasigaw ako nang tuluyan na 'tong nawalan ng malay. Nagpalinga-linga ako, ngunit walang tao sa pasilyong 'to. Tumayo ako saka tumakbo upang humanap ng tao ngunit bumalik naman agad nang maalalang di ko 'to pwedeng iwan. Nanginginig ang mga kamay kong dinukot ang de keypad kong cellphone, sa pagkataranta'y nalaglag ko 'to, dali-dali kong pinulot ngunit nadismaya ako nang makitang blanko ang screen nito, ibig sabihi'y sinumpong nanaman ang lumang cellphone ko sa sakit nito, tinanggal ko ang baterya at ilang ulit na ipinukpok sa palad saka sinubukang paandarin ulit, ngunit bigo ako. Inis akong napahilamos ng mukha at nasisi sa sarili kung bakit mahirap ako, di man lang ako makabili ng matinong cellphone. "Don Alberto, gising ka po." Naiiyak kong bulong. Iniangat ko ang ulo nito saka ipinatong sa hita, di ko alam kung ano ang gagawin ko. Marahan kong tinapik ang pisngi nito nang biglang may tumunog, agad kong kinapa at hinanap ang cellphone nito. Haze Cadden. Lumantad ang pangalang 'yon sa screen ng cellphone. "Hello po, please wag niyo pong ibababa." Taranta kong turan. "Who's this?" mababakas sa boses ng lalaking nasa kabilang linya ang pangamba. "Tulungan niyo po kami, tulong po...please." Naiiyak kong pakiusap. "What happened?" nag-aalalang tanong nito. "A-ang may-ari po ng phone, nawalan po ng malay." Nanginginig pa rin ang mga kamay ko. "Okay, where are you?" malalim ang boses nito. Nagpalinga-linga ako upang maghanap ng palatandaan. "Empire University, fi-fifth floor, dry lab po. Dalian niyo lang po, please." Naputol ang linya. Ibinalik ko sa bulsa nito ang cellphone at saka pinaypayan ang matanda. Mga ilang minuto rin akong naghintay bago dumating ang isang gwapong lalaki na sa palagay ko'y nasa 40's na. "A-are you okay?" walang lumalabas na tinig sa bibig ko kaya tumango lang ako, hanggang ngayo'y nakatulala pa rin ako sa mukha nito, ganito ba karami ang gwapo sa university na 'to. Nahimasmasan lang ako nang may grupo ng mga lalaking lumapit at pinagtulungan nilang buhatin ang matanda. Dali-dali ko namang pinulot ang mga papel na nagkalat at sumunod sa kanila. "Get in." utos nung lalaki na agad ko namang sinunod. Tahimik lang ako sa byahe nang bigla 'tong magsalita. "Anyway, are you a student of Empire University?" biglang tanong nito. "Hindi po, masyado pong mahal ang school na 'yon eh." Sagot ko sa mababang tono. "Haven't you taken the scholarship exam?" bahagya pa 'tong lumingon. "Nag-take po, kaso di ako pumasa." Mas lalo pa tuloy akong nalungkot nang maalalang bumagsak ako at nasayang ang tsansang makita araw-araw si Eleven. "Do you have any family?" bahagya 'tong lumingon ulit. "Wala na po, ni-isa." Halos pabulong na ang pagkakasabi ko, ayoko talagang binabalikan ang nakaraang 'yon. Nakita kong tumango-tango 'to. "Then how did you manage to survive?" tanong ulit nito. "Marami po akong side line, kapag po tapos na ako dun sa coffee shop na pinagtatrabahoan ko ay rumaraket po ako ng kahit anong makakaya ko, ako rin po ang naglilinis ng mga apartment ng mga kapit-bahay ko." Nabalot ng katahimikan ang sasakyan. "What a life. Does it sustain your daily needs?" maya-maya'y tanong nito. "Di po parin sapat, muntik na nga akong palayasin ng land lady name at tsaka, di ko pa po naipasa ang scholarship ng EU, titigil na po muna siguro ako, hanggang sa makapag-ipon na ako." I swear, gusto kong maiyak, nagpipigil lang ako. "What's your name?" biglang tanong nito habang may dinudukot sa bulsa. "Areum Allison Santander po." Sagot ko dito. Nakita kong may ini-dial 'to. "Will you please check Ms. Areum Allison Santander's name on the list?" utos nito sa kausap sa telepono. "Include her." Bumilis bigla ang t***k ng puso ko nang marinig ang sinabi niyang 'yon. Saan ako isasali? Mula sa rearview mirror ay tumingin 'to sakin at ngumiti, muli nitong inilapag phone. "Problem solve." Masigla nitong turan. "Po?" kunot noo kong tanong. "You're on the list of scholars." Ipinitik pa nito sa ere ang kamay, saka malutong na humalakhak. Di ako nakasagot sa halip ay gumana nanaman ang malikot kong instinct. "Baka may balak 'tong masama sakin, bibigyan niya ako ng malaking pabor tapos siya nanaman ang hihingi sa akin ng pabor, ano naman ang hihingin niya sakin, wala naman akong per-." Agad akong napatakip ng bibig saka sinamaan ng tingin ang likuran ng lalaking nagmamaneho, napayakap ako sa sarili. "Kahit gwapo siya, age doesn't matter naman, but my heart belongs to Eleven, I can't betray him. Anong pipiliin ko? Aish Allison, kaya ka di pumasa ang hina ng understandings mo eh, human trafficker 'yan, ibebenta ka." Matapang akong tumango-tango saka dinukot ang sira kong phone, kelangang matawagan ko si Steph. "I'm sorry Mr. but I can't accept your offer. I can sustain everything, I can provide everything for myself." Syempre isa 'yong malaking kasinungalingan. Muli kong ipinukpok sa palad ang sira kong phone, umaasang titino 'to at gagana, kailangang malaman ni Steph na nasa kamay ako ng isang human trafficker. Napatigil ako nang iniabot ng lalaki ang phone niya sa akin. "You can sustain everything?" bakas ang panunuya sa boses nito. Nakagat ko ang kuko sa hintuturo saka tinanggap ang phone niya, di bale, matawagan ko lang si Steph, ayos na. Tulala akong nakatitig sa screen ng cellphone nang makita ang wallpaper nito, marahil ay picture 'to ng pamilya niya, maganda ang babaeng katabi niya ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay si Eleven na nakaakbay sa kanilang dalawa, napakunot noo ako dahil sa pagkakatanda ko'y itim na itim ang buhok nito habang sa picture ay hindi, mas lalo pang nangunot ang noo ko nang sa background nito ay may lalaking nakatagilid, wari'y di sinasadyang maisali sa pagkuha ng larawan, Eleven? Bulong ko. "That's my wife Aliya and my son Blaze." Pagpapakilala ng lalaki sa proud na proud na tono. "B-Blaze... Eleven." Nakangiti kong turan. "Seryoso po ba kayo, tungkol dun sa offer niyo?" puno ng pag-asa kong tanong. "Of course." He exclaimed. "Tatanggapin ko po. Kahit ano pong trabaho ang ipapagawa niyo, kahit maging katulong niyo po, kaya ko po." Seryoso kong turan habang ibinabalik sa kanya ang phone, isang malutong na halakhak lamang ang nakuha ko mula dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD