Nagising si Reid sa tunog ng telepono. Napabangon siya at inabot ang telepono na nasa mesa, rumihestro sa screen ang pangalan ni Blaze. “Ang aga pa,” saad niya nang makita makutang wala pang alas-sais. “Magugulat ka sa sasabihin ko,” pambibitin nito mula sa kabilang linya. “Sige, gulatin mo ako,” walang gana niyang turan. “Rhein is coming home soon here in the Philippines,” pinanlakihan ng si Reid ng mata dahil sa narinig. “I thought she's never coming back here?” tanong ni Reid. “Iyon din ang akala ko,” saad Blaze. “Alam na ba nila Lolo?” tanong ni Reid. “Hindi pa. Sasabihin ko ba? Paano si Allison? Alam mo naman na si Rhein talaga ang plano nilang ipakasal sa 'yo dahil kapatid siya ni Rebecca.” Sunod-sunod ang mga naging tanong ni Blaze sa kanya, bagay na hindi niya nasagot. “H

