“Si Trion kaya ang kumuha ng mga 'to?” kunot noong tanong ni Allison sa sarili habang isa-isang binubuksan ang mga kahon na nasa lapag. “Buti naman sinama nila 'to,” saad niya saka kinuha ang dream catcher at isinabit sa ulunang bahagi ng kanyang kama. “Pati ba naman tabo ay dinala pa,” saad ni Allison nang makita ang tabo niya na nasa loob din ng kahon. Hindi alam ng dalaga na matindi ang nangyari bago pa man napunta sa kanya ang kanyang mga gamit. "Where are we off to?" asked Troy, who had no idea. “Sumunod ka na lang,” seryosong sagot ni Darwin. “Ang sabihin mo, hindi mo rin alam kung saan tayo pupunta,” untag ni Alger, “Saan nga ba?” taas kilay na turan ni Kyle matapos hithitin ang huling sigarilyo saka ito itinapon sa lupa at inapakan. “Kukunin ang gamit ni Allison,” sabat ni V

