Mabilis akong naglalakad papunta sa unang subject ko ngayong hapon, napansin kong walang tao sa hallway, marahil ay dahil sa malakas ang ulan kaya nasa loob ng room ang lahat. Nabigla ako nang may bumuhos sa akin ng tubig, nabasa pa ang mga aklat na dala-dala ko. "Missy?" galit at di makapaniwala kong turan nang makita ko si Missy na tumatawa habang nakikitawa rin sa kanya ang iba pang estudyante. Nagpumiglas ako nang may mga estudyanteng naka-rain coat ang lumapit sa akin at pinagtulungan akong dalhin sa field. Malakas ang ulan kaya kahit nakakailang hakbang pa lamang kami ay basang-basa na ako, naka payong ang mga grupo ni Missy habang tuwang-tuwang nanunuod sa nangyayari sa akin. Sapilitan nila akong pinaupo sa Bermuda grass ng field. "Bakit, galit ka?" sarkastiko nitong turan na til

