“Hi Allison, kumusta ang gising?” tanong sa akin ni Stephanie habang sumisilay ang isang makabuluhang ngiti. Napakunot-noo ako, “anong meron?” tanong ko sa kanya dahil napaka-weird talaga ng kinikilos nito. “Ako nga ang dapat na magtanong, Allison. Anong meron?” taas kilay nitong turan saka napatingin sa aking likuran. Nang sundan ko ang mga tingin nito ay nakita ko ang grupo nila Reid papunta sa parking lot. “Tinanong ako ni Second kahapon tungkol sa 'yo.” Napabuntong hininga ako. Batid kong may ideya na si Steph kung kaya ay hinila ko ito papunta sa malapit na bench kung saan walang tao. “Steph...” mahina kong sambit sa tulalang si Steph matapos marinig nito ang lahat ng bagay kaugnay sa relasyon ko sa mga Monteverde. Nabigla ako nang niyakap niya ako ng mahigpit. “I want to be hap

