Nagising ako sa tila ba anino ng tao na nakatayo sa gilid ng kama. Nakita ko si Haze na nakaupo sa tabi ko habang nakatalikod sa akin. “Saan ka galing?” tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot kaya umupo ako at sinilip ito. Pinanlakihan ako ng mata nang makita kong nakatingin siya sa picture naming dalawa ni Dusk sa cellphone ko. Hindi ko alam kung paano niya nabuksan ang phone ko at kung paano ako nagkaroon ng ganoong picture gayong si Dusk naman ang kumuha ng picture na yun. Hindi kaya's sinend ito sa akin ni Dusk at saktong nakita ni Haze ang message nito? “You never fail to make me hate you, Allison.” Kalmado ang pagkakasabi ni Haze ngunit sapat na iyon upang balutin ang buo kong katawan ng takot. “Pinadala ata 'yan sa akin ni Dusk, that's when he—” hindi ko naituloy ang sasabi

