“Allison, are you awake?” Nagising si Allison sa isang katok. Dali-dali niyang tinungo ang pinto. “Oo, First. Bakit?” Inaantok niyang turan. “Get ready, we're going to see my parents,” saad ng binata. Agad namang napangiti ang dalaga, “when you're done dressing up, bumaba ka at sabay na tayong mag-agahan.” “Yes, First.” Agad na nasapo ng dalaga ang pisngi, ramdam niya ang pag-init nito at batid niyang namumula siya. Para siyang nananaginip kung kaya ay makailang beses niyang kinurot ang sarili. Nang mapagtanto na tunay ang lahat ay kinikilig niyang niyapos ng yakap ang unan. Matapos magbihis ay sinundan niya ang binata sa kusina upang mag-agahan. Pagdating niya ay nakahanda na sa hapag ang mga pagkain at naroon na rin ang binata na naghihintay sa kanya. “Galing pala si Arriane dito?”

