Kulit Damn it! Bakit nandito si Diego?! "What are you doing here?!" Sikmat ko sa kanya. Wait. Bukod sa sugat niya sa noo ay may iba pa siyang galos? May mga pasa siya sa labi at putok rin iyon. Napakurap kurap ako. Ayos na siyang nakatayo sa harapan ko at lulugo lugong pumasok. Napasabunot na ako sa buhok ko na matantong lasing siya! Hinabol ko siya ng sumalampak siya sa sofa kong may covered pa na puting tela. "Hey! You are not welcome here! Hindi kita pinapasok dito." namaywang ako sa harapan niya. He looked wasted. Saan ba galing ang isang ito? "At bakit ka ba ganyan?!" tanong ko ulit. He just closed his eyes. Sa pag pikit niyang iyon ay natahimik ako ng makita ko ang sakit na emosyong nananalaytay sa kanya. "I did everything.. Bloom. I protect everyone who's important to m