SELENA POV. NARITO siya ngayon sa himpapawid patungo sa malayong lugar. Kaninang pumasok sa loob ng banyo si Cale. Agad siyang dinala sa rooftop ng kanyang mga biyenan. Isang chopper ang naghihintay doon kasama ang ibang kaibigan ni RC. At kahit ayaw niyang umalis ay wala siyang nagawa. Mahigpit ang order ni Daddy Rai, at kahit masakit ang iwan ang lalaking minamahal ay pumayag na lang siya. Buhay ng baby sa kanyang tiyan ang nakataya doon. Kung hindi niya susundin ang mga biyenan niya ay baka may masamang mangyari sa kanyang anak. Napapitlag pa siya ng may naglagay ng headset sa aking ulo. Paglingon niya ay ang kaibigan ni RC, si Charlie Montemayor. “Ayos ka lang ba?” kita niya sa mata nito ang pag-alaala. Alam niyang para iyon sa bestfriend nitong si RC. Dahil sa mga oras na ito ay si