SELENA POV. BUONG pamilya ay nagdiriwang sa tuluyang pag galing ni RC. At ngayon ay mismong ang mommy nito ang nagsabi sa kanila na kailangan nilang magpakasal sa simbahan para daw ma-bless ang pamilya nila. At sinang-ayunan naman niya agad. Syempre pangarap niya rin maka pagsuot ng wedding gown. Gano’n pa man may mga pagkakataon na biglang nang-iiba ang mood ni RC. At nauunawaan niya naman ito. Siguro nagpapakita pa rin si Cale sa isipan nito. Hindi naman siya nag-aalala dahil alam na ng asawa kong paano makontrol ang emosyon nito. Kapag bad mood ay hindi na niya sinasabayan ang init ng ulo. Hinahayaan na lang hanggang lumipas ang temper. Pagkatapos ay kusa din itong lalapit sa kanya. Siya naman ay ginagawa ang lahat upang matulungan ang asawa. Lahat ng alam niyang makakapag pakalma d