SELENA POV. MALL, nakasunod lang sila mag-asawa kay Monica. Kung saan nito gustong magpunta. Pero ng dumaan sila sa isang kids boutique ay tinawag niya ito. Pumasok sila sa loob at hinayaan itong mamili ng mga gusto nito. “Narito lang kami ng mommy mo, anak. Lahat ng nais mo ay iyong kunin.” “Daddy, hindi ko po alam ang mga ito. Baka makasira ako, kayo na lang ni Mommy Selena ang kumuha para sa akin. Lahat po ng ibibigay nyo ay ayos po sa akin.” “Ang mabuti pa ay ituro mo lang at ang staff na ang bahala.” subalit dalawa lang ang itinuro ng anak sa kanila. Isang pares na sapatos at isang damit. Kaya naman ay silang mag-asawa na lang ang nagturo sa mga staff. Pagkatapos ay tinawag niya ang anak at pinasukat ang lahat ng yon. “Mommy Selena, bakit naman sobrang dami po ng mga ito?” “Kon