RC POV. NARIRITO siya sa gitna ng karagatan at kagagawan ito ni Cale, ang hindi niya maintindihan bakit dito siya napa punta. Ngayon paano siya babalik ng mansion kung hindi alam ang lugar na kinaroroonan. Talagang walang alam gawin itong si Cale kundi mag-create ng problema. Naglakad lakad siya sa loob ng barko pero ang mga nakikita niya ay puro trabahador. Ibig Sabihin pala ay nasa isang cargo ship siya ngayon. "Mabuti at gising ka na mister?" "Mawalang galang na ho, paano ako napunta sa lugar na ito?" Ngunit tinawanan siya ng kausap pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya. Tila may pagtataka o tamang sabihin na hindi naniniwala sa kanyang pahayag. ".... Pasensya na ho pero wala akong natatandaan kung paano nakarating dito." "Sakay ka ng speed boat at naubusan ng gas