RR POV. NAKATITIG lang siya sa malaking screen. Ayaw pa rin tanggapin ng kanyang sistema na ikakasal na si Alice sa isang Montemayor. Nagngangalit ang kanyang panga sa sakit at galit na nararamdaman. At kakambal ang panghihina niya sa kawalang pag-asa. Dinampot ang remote control at ini-off ang tv. Mabuting lumabas siya kaysa magmukmok sa loob ng bahay. Nang makapagbihis ng pang motorcycle ay nagmamadaling bumaba sa basement. Pagka suot ng helmet ay humarurot na siyang palayo. Sa racing field siya bumagsak, lilibangin na lang niya ang sarili sa pagpapalipad ng motor. Hanggang lumipas ang mahabang sandali. Ngunit kahit anong pilit alisin sa isipan ang tungkol kay Alice. Hindi niya magawang iwaglit. Kaya huminto siya at naupo sa gilid. Bihira ang taong naroroon siguro dahil maulan ang pan