CHLOE POV. NARIRITO kami ngayon sa riles upang kausapin ang asawa ng namatay. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na raw ito umuwi ng bahay nila. At ang dalawang bata ay kung saan na lang nakatira. Ang sabi pa ng mga kapitbahay ay nag-asawa na ng iba ang ina ng mga ito. Bihira na rin daw mabanda sa riles ang magkapatid dahil pambabasura na lang ang ikinabubuhay. “Anong araw po nababanda dito ang magkapatid?” “Baka mamaya ay naririto sila, meron silang kaibigan diyan sa duluhan. At kapag nakakabenta sila ng maraming kalakal ay kumakain sila diyan sa karinderya sa kanto.” “Maaari po bang makuha ang eksaktong address ng kaibigan nila?” “Ipag tanong nyo lang ang pangalang Tarsing at kilala na siya sa duluhan.” “Sige ho maraming salamat, ahm… para po sa inyo ito.” “Naku, maraming salamat