RAIDEN POV. MAY sinasabi raw si Roxanne, ayon pa sa babae ay pagsisihan ko ang aking desisyon. At napaisip ako kung bakit nagsalita ng gano’n ang babaeng yon. Hindi kaya nasa organisasyon na rin ito kaya malakas ang loob na mgbanta? “Alam ba ni Senora Valeria ang tungkol doon?” “Sa palagay ko ay alam ng iyong mama. Tahimik lang siguro siya upang hindi makahalata si Ms. Roxanne. Ayon sa pananalita ni Senora Valeria ay lihim na pinapaimbestigahan niya ang tungkol sa babaeng yon. Kaya magtiwala ka sa iyong mama. Sigurado naman na gumagawa narin siya ng move. Upang malaman niya ang plano ni Madam Clemente at Roxanne. “Kung gano’n alam din niya ang totoo at nagpapanggap lang na hindi?” “Yeah, kasi sa palagay ko ay may nilagay din na recording device sa gamit ni Roxanne ng mga oras na sinam