RAIDEN POV. NARIRITO kami sa mansion ko ngayon. Hinayaan ko silang magkita ni Senora Valeria at Chloe. Pansamantala ay iniwan ko silang dalawa at isinama ko ang aming anak sa labas. Tanging mga kasambahay, bodyguard at gurad ng mansion ang tao sa paligid namin. Alam ko rin na kaya ako ipinatawag ni Mama dahil ngayon ang release ng papers ko. At hindi na ako makapaghintay pa ng mahawakan ko iyon. Gano’n pa man ay hindi pa rin nawawala sa puso at isipan ko ang pangamba. Sa klase ng organisasyon namin ay mahirap ma-trace kung sino ang kaaway at kaibigan. Kaya kailangan ko pa rin mag-ingat at protektahan ang aking mag-ina. At habang naglalaro sa isang malapad na latag ang aking anak ay nakamasid lang ako sa kanya. Hindi ko na rin namamalayan na naroon na pala sa tabi ko si Chloe. Kundi pa