JUSTIN'S POV Naging tahimik kami ng ilang minuto habang kinakalkula sa aming isip ang aming mga nalaman. Tama ang naiisip ni Annie. Paulit-ulit kong minumura ang aking sarili sa aking isip. "Bumalik ka, pero umalis ka din ulit. Dahil lang dun kaya mo siya iniwan?" puno nang hinanakit niyang tanong. Kita ko ang pait sa mukha ni Annie para sa kaniyang kaibigan. Naging mapait din ang aking panlasa. I made a stupid mistake. Nasaktan ko ang babaeng mahal ko. Huminga ako ng malalim, may kumudlit na sakit sa aking dibdib. Humapdi din ang aking lalamunan. Napalunok ako ng ilang beses. Dismayado ang mukha ni Annie habang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga siya saka pumikit ng ilang segundo. "Sana inalam mo muna. Sana kinumpirma mo muna," aniya sa garalgal na boses. Hinawakan ni Mark an