JANINA'S POV "Sorry, dahil pinagpustahan niyo ako?" puno ng hinanakit kong tanong. Pumikit siya. Kita ko ang sakit sa kaniyang mukha. "Sorry, dahil niloko mo ako at pinaglaruan?" Pero mas masakit pa din ang dinanas ko kumpara sa sakit na nararamdaman niya ngayon. "Sorry dahil nasaktan ako?" Guilty lang siya. "Sorry saan?" Guilty na nabuntis niya ako at wala siyang alam. Guilty sa pagkamatay ni Angelo. "Para saan ang sorry mo, huh!" sigaw ko sa kaniya. "Sorry for everything. I'm so sorry," sambit niya sa basag na boses. "Hindi mabubura ng sorry mo ang mga sakit na tinanim mo sa puso ko, Justin," puno ng hinanakit kong saad. "Pinaglaruan mo lang ako. Di ba iyan naman ang pinamukha mo sa akin?" Matalas ko siyang tinignan. Umiling-iling siya. "Guys, nakakakuha na tayo ng at