"Good morning, babe," bati ko sa aking asawa na nauna pang magising sa akin. "Good morning, baby." Napangiti ako ng makita ko ang hinanda niyang breakfast. Sinangag, sunny side up egg, beef tapa at gatas. Puyat siya kagabi dahil pinagtulungan naming alagaan ang kambal. Nahawa na din kasi ang isa sa pagiging iyakin. Dinampian niya ako ng halik sa labi bago ipatong sa kama ang maliit na table na pinaglagyan ng hinanda niyang almusal. Napaka-sweet talaga. "Thank you, babe." "Anything for you, babe," tugon niya sabay kindat. Naglagay siya ng sinangag at tapa sa kutsara bago inumang sa aking bibig. Hindi ko tuloy mapigilang kiligin habang kumakain. Napakasarap at napakagaan ng buhay kapag may sweet at guwapo kang asawa. "May meeting ka ngayon, 'di ba?" tanong ko ng maalala kong ng

