JANINA'S POV "'Di ba sabi ng babe mo huwag ka munang gumamit ng social media?" pang-aasar sa akin ni Yana. Inikutan ko siya ng mata. Tila't nasa mood yata siya para mang-asar. "Ngingiti na iyan," tudyo pa niya. Inaagaw niya sa akin ang celphone ko. "Wait lang. Pati si Reed dinamay din nila," sabi ko ng makita ang isang article. Lahat na lang talaga gagamitin para siraan ako. Lalakero. Malandi talaga. "Tama na 'yan, huwag kang magpaka-stress. May pictorial ka pa bukas," paalala niya. "Saan pala nagpunta si Yela?" Hapon na pero hindi pa din siya umuuwi. Umismid siya. "Baka nasa langit na iyon ngayon," sagot niya. Napatawa naman ako. "Ano?" "Kasama si James. Malamang nagkukulong na sila sa condo nun." Napahagikgik ako. "Akala ko ba papahirapan niya?" "Ewan ko dun. Baka p