JUSTIN'S POV "Kuya, hindi ko siya maayang lumabas eh. Nagkulong na siya sa kuwarto niya. Umiiyak siya kaya ayun at inaalo ni nanay," sabi ni Jonna sa kabilang linya. Kaninang umalis si Janina sa opisina ay agad kong pinuntahan ang nanay at kapatid niya para sabihin ang plano ko. Pinaalam ko din ang nangyari. Na akala ni Janina ay niloko ko siya. Sinabi ng nanay niya na tutulungan niya ako para sa plano ko. Pero bandang alas-tres nauna nang nagsabi ang manager niya na hindi siya makaka-attend. Akala ko magbabago pa ang isip niya. Si Love ay kilala bilang highest paid event planner dito sa Pilipinas. Highly recommended siya ng mga kakilala kong business partners. At kapatid din siya ng isa sa mga kaibigan ko kaya malaki ang tiwala ko na hindi niya ako bibiguin kaya siya ang kinuha ko

