JUSTIN'S POV Ilang minuto na walang nagsalita at tanging mga hikbi at pagsinghot lang ang naririnig sa amin sa buong kabahayan. Someone tried to kill Janina. Someone killed our baby. Naikuyom ko ang aking kamao habang na-i-imagine ang nangyari sa mag-ina ko ng araw na may magtangka sa kanila. Nasasaktan ako. At labis akong nasasaktan sa kaisipang wala ako ng mga panahong iyon para ipagtanggol sila. Huminga ng malalim si Tessa at nagpunas ng luha. "Nahuli ba iyong may gawa noon sa mag-ina ko?" tanong ko, pilit kong pinatatag ang aking boses. Umiling siya. Nakaramdam ako lalo ng galit sa aking dibdib. Paanong hindi mahuhuli kung nasa public place sila noong nangyari iyon? Madaming tao sa lugar na iyon at tiyak na may mga guwardiya din doon na agad mapapansin ang nangyari. "N