JANINA Hindi pa din matigil-tigil sa pagtawa si Annie kahit nandito na kami sa labas. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Mukha na kasi siyang loka-loka sa lakas ng tawa niya. Bahagya pa niyang pinapadyak-padyak ang kaniyang paa. Napasimangot ako. "Ang bitter mo, Jaki," aniya. Patuloy pa din siya sa pang-aasar sa akin. "Hindi ako bitter, it's as if ex ko siya. Eh binasted ko nga siya, di ba?" sagot ko habang mabilis na naglalakad papuntang pila ng tricycle. Hindi ko puwedeng ipakita na sawi ako. "Exactly. Bitter ka kasi binasted mo siya," sagot niya. Nilingon ko siya at inirapan. Kokontra pa sana ako sa sinasabi niya pero nawalan na ako ng ide-depensa. "Oo na, bitter na ako, nalungkot ako. I miss him so much," sagot ko para masiyahan na siya. "Sa sobarang pagkamis ko sa kan