Multie/Irish POV Hindi naging madali ang buhay ko dito sa Barcelona sa loob ng tatlong taong lumipas. Pakiramdam ko ay mag-isa na lamang ako sa mundo lalo na at tuluyan ng nawalan ako ng komunikasyon sa pamilya ko sa Naga City sa Bicol. Sabi ni Don Pablo sa tuwing tatawag at magtatanong ako ay wala pa rin siyang nakukuhang kahit anong balita tungkol sa pamilya ko dahil simula umano ng umalis sila sa dati naming tinitirhan ay wala ng nakakaalam kung saan na sila lumipat. Nag-aalala ako sa kalagayan nila ngayon lalo pa at may sakit ang aking ama ng huling tawag ko doon. Alam ko may hawak silang malaking pera at posibleng ginamit nila 'yon para makapag-simula. Hinanap ko sa social media ang kapatid ko na si Rose pero hindi ko siya natagpuan. "Hey, Multie, I've been calling you several ti