Irish POV Nagising akong tila galing sa napakahabang pagtulog. Ilang kurap ang ginawa ko dahil nanlalabo ang paningin ko na pilit na ina-aninag kung nasaan ako dahil tila bago sa akin ang lugar na kinaroroonan ko. "Hmmm," tanging daing na lumabas sa lalamunan ko dahil ang sakit ng katawan ko. Pakiramdam ko ay nakipag-buno ako sa malaking kalabaw namin sa bukid kaya ganito ang pakiramdam ko. "Mabuti naman at gising ka na. Sandali tatawagin ko si Senior Pablo," sabi ng isang babae na alam kong hindi pamilyar ang boses sa akin. Ilang sandali pa ay may pumasok na mga tao. Tinitigan ko sila isa-isa pero wala akong maalala na kilala ko sila at nagkatagpo na kami. Imposible naman na nawalan ako ng alaala dahil kilala ko ang sarili ko at tanda ko ang mga bagay na nangyari sa buhay ko. Sa nais