“If you follow my decrees and are careful to obey my commands… I will grant peace in the land, and you will lie down and no one will make you afraid. I will remove wild beasts from the land, and the sword will not pass through your country.” – Leviticus 26:3,6 -- Chapter 24 Angel Loise Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas ako ng banyo. Alam kong susundan ako ni Jandro dahil medyo nagtalo kami. At kahit nagtatapi pa lang siya ng tuwalya ng ibabang bahagi ng katawan, hinaklit niya ako sa siko at hinila pabalik sa kanya. Napaawang ang labi ko sa gulat at mangha dahil sa natitira niyang lakas. Ang bango bango niya rin. Pero kung hilahin ako ay parang iiwan ko siya nang lubusan. “Bakit ayaw mong matulog dito sa kwarto ko? Anong inaalala mo?” may halong hinanakit niyang tanong. Af