“Six days you shall labor, but on the seventh day you shall rest; even during the plowing season and harvest you must rest.” – Exodus 34:21 -- Chapter 23 Part 1 Angel Loise Nag iinit ang mukha ko sa pinagsamang hiya at presensya ni Jandro nang lapitan ko sina Richard sa kotse nito. Binuksan niya agad ang pinto pero umiling ako. Tumaas ang kilay niya. I had to bit my inner lip to calm my mind as well as my pulse. May panghihinayang at sobrang hiya ang tumabing sa isipan ko pagkapayag ko kay Jandro na sumama. “Ayaw pa ring umalis ni Jandro?” Debra’s a bit nervous tone. Kita sa maligalig niyang mata na kinakabahan din sa namuong tensyon. Halos magkasabay naming sinulyapan ito pero ako ang mabilis na nagbawi. “Gusto niyang makipag usap.” “Ha? Seryoso? Kaya napaluwas din dito?” Sinara